GOD BLESS YOU PRESIDENT CORY!

GOD BLESS YOU PRESIDENT CORY!

Friday, May 22, 2009

Hayden Kho Take 2, "I Apologize ..." — Dito Nagsalita Na Siya, Hindi Statement Lang — Pero Mukhang May Mga Ayaw Maniwala

22 May 2009

This is the apology of Hayden Kho, Take Two — this time around he's the one speaking instead of just a prepared written statement being flashed onscreen.

In case, you also want to read the words instead of just hearing them, this is the full transcript of  Mariz Umali's report including the text of the sound bites from Dr. Hayden Kho:

Igan Arnold Clavio:  Inako ni Hayden Kho ang kasalanang nagawa at lubos na pinagsisisihan ang nangyari.  Depensa ng abogado ni Dr. Kho, lulong daw si Hayden sa droga nang panahong ginawa niya ang mga kumakalat na sex video.  Pero ang ilang Senador, hindi tanggap ang paliwanag na ito.  Saksi si Mariz Umali.

Hayden:  I deeply regret everything that has happened because of my poor judgment... Hmmm... Nagsisisi na po ako.

Mariz:    Halata ang lungkot at pagkabalisa sa mukha ni Dr. Hayden Kho nang humarap sa media.  Muli niyang iginiit nagawa lang niya ang video bilang bahagi ng pribado niyang buhay, bagay na wala siyang intensiyon na ipakita sa iba. Sa halip ang sinisisi niya ang mga taong nagkalat nito.

Hayden:  Sa dami nang nadamay, sa dami ng mga nasaktang tao dahil may nagnakaw at nagkalat ng videos... Right now, I may feel deep remorse ... you know, it's too much to ask for forgiveness right now...  Sana ... sana, someday people will learn to condemn the sin and not the sinner.

Mariz:  Pero ang biktima niyang si Katrina Halili, bingi sa pagso-sorry ni Hayden.  

Katrina: Dapat 'yon, hindi lang ganoon ... hindi, hindi lang paghingi ng tawad.  Dapat po siyang parusahan.

Mariz: Aminado ang abogado ni Dr. Kho na si Atty. Lorna Kapunan, lulong daw si Hayden nang panahong ginawa niya ang mga kumakalat na sex video.
  
Atty. Lorna Kapunan:  These all happened when ... ah ... he was a drug user.  These all happened before December when Hayden was getting his treatment. 

Mariz:  Pero hindi bumenta kay Senador Bong Revilla ang depensang ito ng kampo ni Hayden.

Senator Bong Revilla: Palusot ng magagaling na abogado, 'no ah. Sa korte na lang sila magpaliwanag. 

Mariz; Paniwala pa ni Senadora Miriam Defensor-Santiago, mahihirapan lang ang kampo ni Hayden kung gagamitin nitong depensa ang umano'y problema sa pag-iisip ng celebrity doctor.

Senator Miriam Defensor-Santiago: He has never appeared in public that he has indicated other signs of insanity so he cannot claim that overnight, he became insane.

Mariz: Ako si Mariz Umali at ako ang inyong saksi!


This is the video of the report by Mariz Umali of Saksi courtesy of GMAnews.tv:


No comments:

Post a Comment

If you encounter any problem posting your comment, such as the error message "Your request could not be processed. Please try again," the problem might be resolved simply by trying to resubmit the comment. Otherwise, please email me at rollyocampo@yahoo.com. Thanks a lot for visiting my blog. Have a nice day and God bless!

 
Free Hit Counter
Free Hit Counter