GOD BLESS YOU PRESIDENT CORY!

GOD BLESS YOU PRESIDENT CORY!

Tuesday, May 26, 2009

Mula kay Magdalena Sawimpalad — Gawing Edukasyunal ang Kasong Katrina para sa Kababaihan

26 May 2009

So much interest has been generated by the brewing Hayden Kho sex videos scandal that this early, it promises to be the top news story of 2009.  

Different people, to be sure, have different sets of reasons for expressing their interest. There's just so much public interest riding in this case. It is a pivotal point in our social, cultural, political and legal journey as a nation.  

Today in my Yahoo Inbox, I found this message from Magdalena Sawimpalad (magdalena_sawimpalad@yahoo.com) admonishing women to learn the lessons of the Katrina Halili aspects of the Hayden Kho sex videos scandal. 

I'm reproducing her message in full, entitled Gawing Edukasyonal ang Kasong Katrina Para sa Kababaihan:
Please click:


ANO ANG KASO SA ISYUNG KATRINA AT HAYDEN?

Bago ang lahat, ano kayang balita ang nais takpan ng Malacañang kaya pumutok ang isyung Katrina-Hayden video? Ang isyu ng pagbulgar ni Lt. Gandia sa P40M kuropsyon sa militar, ang isyung C5 ni Villar sa senado, ang balak na ChaCha, at iba pa.

Gayunman, magpokus tayo sa isyu.

Makakasuhan ba ng sexual harassment si Hayden Kho? Anong kaso?

Kung sakaling hindi nailabas ang mga sex video na iyon, tiyak hindi malalaman ng taumbayan iyon. Tiyak di magko-complaint si Katrina. Kaya walang kaso.

Nag-file ng complaint si Katrina dahil sa pagkakalabas ng video ng hindi niya alam. Ibig sabihin ba, hindi pa ito usapin ng sexual harassment sa kababaihan, dahil payag naman siya sa ginawa nila ni Hayden Kho ngunit sa private lamang. At foul na kay Katrina, at sa iba pang kababaihang nakaranas nito, na mailabas pa sa publiko ang kanilang mga sex acts na sa pribado'y payag sila.

Paano sa kaso ng modelong si Maricar, at sa iba pang babae?

Sa ganitong kaso, may violation ba sa batas, lalo na sa anti-sexual harassment law?

Payag ang babae sa ginawa nila, pero in private. Pero nang lumabas na in public, anong batas ang nilalabag? Privacy law?

Maaring hindi ito pasok sa REPUBLIC ACT NO. 7877 "AN ACT DECLARING SEXUAL HARASSMENT UNLAWFUL IN THE EMPLOYMENT, EDUCATION OR TRAINING ENVIRONMENT, AND FOR OTHER PURPOSES" dahil hindi naman ito lugar ng trabaho o eskwelahan, kundi sa pribadong lugar.

Maaring hindi rin ito pasok sa RESOLUTION NO. 01-0940 "ADMINISTRATIVE DISCIPLINARY RULES ON SEXUAL HARASSMENT CASES" dahil nga may relasyon at nasa pribadong lugar sila.

Gayunman, may ipinayl ngayon sa kongreso na pag-amyenda sa RA 7877, at ito ang HB 3704- Amendments to the Anti-Sexual Harassment Law.

Dapat nating gawing educational para sa mamamayan, kababaihan at kalalakihan, ang isyu ng sex video, at huwag lamang maikahon sa kung sino at kanino galing ang sex video, sino ang nag-upload sa youtube at iba pa. Dapat itong pasimulan ng mga kababaihan. Panahon nang pag-usapan sa publiko, hindi lang ang isyu ng sex video, kundi ang karapatan ng kababaihan.

Dapat ituring na bayani si Katrina Halili dahil malakas ang loob niyang ibulgar ang mga ganitong kabulukang naganap, upang hindi na ito maranasan pa ng ibang kabataan.

Ano ang dapat nating matutunan sa pangyayaring ito?

Una, dapat kapulutan ng aral ng mga kabataan ngayon ang nangyaring ito.

Ikalawa, dapat magkaroon ng edukasyon ang mga kabataan hinggil sa ganitong mga pangyayari.

Ikatlo, maitaguyod ang karapatan ng kababaihan.

Ikaapat, magmungkahi po kayo _____________.
Magdalena Sawimpalad's timely message is also posted in this blog and I encourage you to post your comments there.  Of course, I'll appreciate if you can also post your comments here or email me at rollyocampo@yahoo.com.

Thanks a lot!



1 comment:

  1. Sobra na yang usapin na yan di na ata tama na pag kaguluhan ng husto yang kasi nila katrina oo dapat yan mabigyan ng hustisya kaso tamana okey na na isampa na at pati gobyerno nakiki sawsaw sa initan ng usapin tama din kaso na tatakpan na yung mga dapat talakayin yung problema ng bansa natin mag dapat yun ang pag usapan diba dito nga eh sa jeddah mabiling mabili yang hyden and katrina scandal laging ubos kaya gustong gusto ng mga namimirata d2 sa jeddah asus... panalo

    ReplyDelete

If you encounter any problem posting your comment, such as the error message "Your request could not be processed. Please try again," the problem might be resolved simply by trying to resubmit the comment. Otherwise, please email me at rollyocampo@yahoo.com. Thanks a lot for visiting my blog. Have a nice day and God bless!

 
Free Hit Counter
Free Hit Counter