Tuesday, June 16, 2009

As Told by Jimenez Lawyer, Atty. Mario Aguinaldo to Igan: Marga Ysabel's Reaction When Asked If She Wants to Visit Mom Ruby Rose's Wake — "Ayoko Po!"

16 June 2009

In today's One-on-One with Igan on Unang Hirit, Atty. Mario Aguinaldo, lawyer of the Jimenez family recounts how Marga Ysabel, the older of two daughters of slain Ruby Rose Barrameda-Jimenez reacted when asked if she wants to go the wake of her mom.  

Reference was made in this interview to the intercession made by Gabriela party-list representative Liza Maza who talked with Atty. Aguinaldo to ask the Jimenez family to allow the children to see their mother for one last time.

This is a portion of the interview between Igan Arnold Clavio and Atty. Aguinaldo:

Atty. Aguinaldo: ... Tumawag siya sa 'kin nung Sabado ... nakikiusap. So sabi ko sa kaniya, di kakausapin ko yung pamilya.  Kinausap ko yung pamilya.  Nung Sabado nga, nang gabi, kinausap nung father ulit, nung lolo yung panganay sinabi na ... tinanong kung ayaw niyang pumunta o gusto niyang pumunta, sabi nung bata, 'Ayoko po!  'Eh ba't ba ayaw mo?  Ang sagot nung bata, ''Eh bakit n'yo po ba 'ko pinipilit? Ginugulo n'yong buhay ko.  Eh kung buhay n'yo pong guluhin ko?!'  'yan ang sagot nung bata. Ngayon sabi ko ...

Igan:  Attorney, attorney, maputol ko po kayo.  Ilang taon na po itong panganay?

Atty. Aguinaldo:  Siguro, grade 4 eh. Siguro mga 9 na 'yan.

Igan:  Ah, Ok.

Atty:  Oo.

Atty. Aguinaldo:  Ngayon, nireport ko kay kwan 'yan, sinabi ko kay Congresswoman na talaga namang tumutulong na makapunta rin yung mga bata, ano. Ngayon, sabi ko kay Congresswoman, eh di baka po sabihin n'yo na akong ... sa 'kin nanggaling, biased ako, mabuti po pakausap natin sa guidance counselor o kaya na mismo kumausap. Ang napagkaisahan namin, pakakausap namin sa guidance counsellor ng La Salle, De La Salle Zobel. So kahapon, nagpunta ko sa Dela Salle Zobel, kinausap ko yung Principal na nagkataon naman yung principal just promoted to be a Principal for less than a year or about one year.  Nasubaybayan niya 'tong bata kaya may trust and confidence sa kaniya yung bata. So kahapon kinausap nung Principal at nung guidance counsellor ng De la Salle Zobel yung bata. Tinanong siya kung gusto niyang pumunta, ang sabi niya, 'Ayoko po.'

Igan:  Ah ...

Atty. Aguinaldo:  Yung ang sabi.  Nirelay ko rin kay ano 'yun kay Congresswoman Maza.

Igan:  So talagang hindi na ho makikita nitong panganay?
Atty. Aguinaldo: Ayaw niya, eh. Ayaw nung bata. Ayaw nung bata. Hindi ko lang masabi ngayon sa himpapawid kung bakit ayaw nung bata.  Palagay ko malalim ang ano.  Ayokong magsalita kung bakit.

Igan:  May kaugnayan pa rin sa mga naunang kaso, Attorney?

Atty. Aguinaldo: Maaari pero ayoko ngang magsalita dahil I want to respect the dead.

Here is the video clip of Igan's one-on-one with Atty. Mario Aguinaldo:

It's now in God's hands whether the Ruby Rose — Marga Ysabel reunion will ever take place. Nothing's impossible!

No comments:

Post a Comment

If you encounter any problem posting your comment, such as the error message "Your request could not be processed. Please try again," the problem might be resolved simply by trying to resubmit the comment. Otherwise, please email me at rollyocampo@yahoo.com. Thanks a lot for visiting my blog. Have a nice day and God bless!

Free Hit Counter
Free Hit Counter